Whipping Cream??? WTF
Kwento ng kasama ko sa hotel. Naiirita daw ang bossing namin dahil nakalimutan daw lagyan ng whipped cream ng isang chef namin ang isang dessert na na-order. Nangyari ito sa gabi na kung saan ay wala na ang bossing namin at nakauwi na.
Tanong ko naman sa nagkwento sa akin: 'Paano nalaman ni bossing?" (syempre in inglis yan)..
Sagot nya: "Nakatanggap sya ng email. Isang complaint daw" (at syempre in inglis pa din)
Sagot ko naman: "Yun lang?? Ini-email pa ba yang mga ganyang klaseng reklamo??"
Nagkibit-balikat na lang sya.
Yan ang kaibahan sa atin. Minsan yang mga maliliit na bagay na yan ay di na pinapalaki. Sinabi ko sa kanya (sa nagkwento) na sa trabaho ko dati, marami din kaming maliliit na kapalpakan. Marami ding maliliit na sagutan sa pagitan ng dalawang empleyado ang nagyayari. Pero sa amin ay madalas di na ito nakakarating sa bossing ko. Inaayos na namin, kami-kami lang. Ika nga ay "all's well that ends well". Kung maaayos naman ng kayo-kayo lang ay bakit pa palalakihin ang issue. Dito kase kanya-kanyang kwento sa bossing. Kung sa atin ay chu-chu ang dating, dito ay tanggap nila yun.
Ayan, pati tuloy ako ay natuto na rin. Maya-maya ang sumbong sa boss..hehe

.
..
