Christmas Party
--- dito sa ibayong lugar 
Humigit-kumulang na dalawang taon na kami dito ni rita. Sa makatwid ay dalawang pasko na ang pinagdaanan namin at magiging pangatlo itong darating na pasko. Sa dalawang paskong nagdaan ni minsan ay hindi ko sinubukang dumalo sa Christmas party na aming kumpanya. Wala naman akong gaanong kaibigan doon at alam ko namang puro inuman lang ang mangyayari. Maige sana kung maraming pulutan, pwede pa akong mag-tyaga sa coke. Pero di ata uso ang pulutan dito. Sagabal daw sa alak
.
Ngunit ngayong taon na ito, dahil nagkaroon ako ng isa pang trabaho at isa na akong malugod na empleyado ng silid-aklatan sa aming syudad, minabuti kong saksihan ang Christmas party namin. Napag-isip ko na mababait naman ang mga kasamahan ko ngayon at masasayahin sila. At isa pa may isa pa akong kasamang Pilipina sa trabaho. Kaya kaninang hapon ay join ako sa kanila
.
Nakakatuwa dahil ibang-iba ito sa kinagisnan na nating Christmas Party. Walang parlour games, walang monito-monita, walang exchange gifts, walang christmas carols, walang bonggang pagkain, walang raffles, at well, wala ngang christmas decor. Isang maliit na snowball lang ang nasa lamesa. Di mo halos maiisip na Christmas Party pala yun. Para lang syang isang pagtitipon.
Kumain lang kami at nagkwentuhan na. Ang iba eh umiinom ng wine pero dahil sa karamihan sa kanila ay magmamaneho pa ay di sila gaanong uminom. Matagal-tagal na kwentuhan din, 2 oras din ata yun. Pero sa tulad kong di mapakali na matagal na nakaupo ay parang 2 araw na yun.
Masaya rin naman ang kwentuhan kase talagang nakakatuwa ang mga kasamahan ko. Magaganda ang mga sense of humour nila. Maganda rin naman ang mga naging topic.
Pero, iba pa rin sa atin
..
Yan talaga ang na-mi-miss ko sa atin..ang mga Christmas parties..di man mabunot ang names sa major prizes, masaya naman sa games (kase madaya ako) 
Oh well, ganyan talaga ang life
*hikbi*

0 Comments:
Post a Comment
<< Home